Luneta Park
Ang Luneta Park ay madalas na dinadayo ng mga turista dahil sa rebulto ni Dr. Jose Rizal, Dancing fountain at ang mga bilihan dito. Karamihan sa mga pamilyang pilipino o mga dayuhan ay dito sila nagbabagong taon o nagpapasko nanunuod sila ng fireworks. Ang Luneta Park ay nasa Roxas Boulevard, City of Manila.




Quezon Memorial Circle
Isa itong landmark ng lungsod kung saan ang matayog na dambanang Quezon ay matatanaw. Malapit lang ito sa City Hall at isang tawid lang ng lansangan ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.
Ang Quezon Memorial Circle ay parang Rizal Park Dahil Sa Rizal Park ay naroon ang labi ni Rizal, dito sa QMC nakalibing si dating Pangulong Quezon. Ito ang “Quezon Memorial Shrine”. Ang ilalim ng dambana ay ginawa ng museo kung saan makikita ang mga larawan ng pamilyang Quezon. Narito rin ang ilang bagay na naiwan nya. Makikita naman ang mga pag-papagandang ginagawa rito ng pamahalalan ng Quezon City. Inayos na ang lugar kung saan pwedeng mag-picnic. Naging maaliwalas na ang lugar. Nag-lagay rin ng mga bakal na pwedeng gamitin sa pag-eehersisyo. Halatang ginastusan ang pag-sasaayos ng Circle. Marami nga akong nakita na mga magkakasama at mag mag-pamilya na masayang pinagsasaluhan ang kanilang mga pagkaint. Marami ng mga pagbabago para isaayos ang lugar na ginagawa dito. Meron na ritong zip-line, go-cart . Maganda rin ang pagbabago na ito ginagawa sa Circle. Kahit paano ay may mga maaring pagpilian ang mga namamasyal. Kaya lang may bayad ang pag-sakay sa mga lugar na ito Dito rin sa Circle makikita ang “Vibes Massage” kung saan pwede kang mag-pamasahe sa mga kapatid nating bulag. Masarap mag-pamassage dito matapos ang isang mahabang pakikibaka sa maghapong trabaho. Mainam rin rito ang magpahagod ng pagal ng katawan pagkatapos mag-ehersisyo.Meron din ditong mga rides katulad ng wild wind,peris wheel at iba pa na makikita sa Circle Of Fun at Circle Of Joy.

Ninoy Aquino Park At Wild Life Center
Ang Ninoy Aquino Park o Wild Life Center ay ipinangalan kay Benigno"Ninoy"Aquino Jr. Makikita dito ang malalaking ahas, mga makukulay na ibon at ibat-ibang uri ng mga hayop. Mayroon din ditong isang malawak na hardin na may magagandang bulaklak at isang “Lagoon” kung saan pwedeng mamangka at makipag habulan sa mga tutubi at paru-paro. Tahimik sa loob nito at ang nag-lalakihang mga puno at mga halaman ay nag-bibigay lilim sa matinding sikat ng araw at kanlungan naman kapag umulan. Mainam talaga mag-lakad lakad at mag-muni muni sa loob ng parkeng ito.





Quiapo Church
Simbahan ng Quiapo ay isang kilalang Simbahang Katoliko Romano. Dinadayo ito ng mga turista dahil sa Itim na Nazareno at ang magandang altar sa loob ng simbahan na ito, mga bilihan ng mga santo/santa o mga manghuhula sa tabi ng simbahan na ito. Maraming tao ang nagsisimba dito lalo na pagtuwing pasko, Araw ng pagkabuhay at bagong taon.




Baclaran Church&Malls
Dinadayo ito dahil sa magandang altar, Marami din ditong nagsisimba tuwing Miyerkules, Pasko, Araw ng pagkabuhay at Bagong taon. Meroon din ditong mga mall na pwedeng bilhan ng mga gamit katulad ng damit, Mga gamit sa iskwelahan at iba pa. Maganda mamili dito dahil mura lang ang mga bilihin.


Mall
Manila Ocean Park
Dinadayo ito at pinapasyalan ng mga pamilyang pilipino dahil sa Snow village, Sealion show, Dolphin show, Mermaid show, Fish spa, Rides At mga iba't ibang uri ng mga isda. Meroon din ditong bilihan ng mga souvenir katulad ng damit, Teddy bears, Key chain at iba pa. Meroon ding mga kainan dito .Makikita mo din dito ang magandang tanawin ng dagat. Maganda itong pasyalan ng mga pamilya dahil may makukuha ditong aral. Kadalasan ang ibang pamilyang pilipino ay dito nagpapasko.






La Mesa Eco Park
Maganda rin ito payalan dahil sa magagandang tanawin. Meroon ditong Aquatic center, Narra Groove, At May mga lugar din ditong pwedeng pagpicnican at meroon ding cottages. May playground din para sa mga bata. At Petron fitness&Mountain bike trails, Hourse back riding. Makakakita ka rin dito ng magagandang bulaklak katulad ng mga orchids. Maganda rin itong puntahan ng mga pamilya o mga turista dahil sa mga magagandang view o tanawin, Masarap ang simoy ng hangin, Tahamik at maraming halaman.





